This happened 22 years ago but I can still remember it
lucidly (Parang it happened five minutes ago lang. hahaha!) Anyway, here’s the
story:
Kakagising lang namin ng sisterette ko nun, mga bandang 4 ng hapon (Kasi yung lola namin nagwawala
kapag wala kaming siesta kaya ayon wala kaming magawa kung ‘di pumikit at
magkunwaring natutulog hanggang sa tuluyan na nga kaming maidlip). Nag-iinuman
sina Pudra sa labas kasama ang mga kumpare nyang walang magawa sa buhay kundi
ang lumaklak ng alak at tumira ng pulotan. Palibhasa bagong dating si Papey
galing abroad ng mga panahong iyon at marami pang anda! Kaya ayun! Todo lagok
ang mga batugan.
Paglabas namin nang bahay ay naglalaro ang ibang pinsan
namin sa labas ng piko (mga apat silang mga malalanding batang babae!). Sasali na
sana kami nag biglang nag-iba ang peg nang mga mujer! Gustong maglaro ng “Miss
Universe” at eto pa ang matindi- dapat
daw kasali ako! Tumanggi ako nung una kaso ayaw nilang pasalihin si sisterette
pag hindi ako sumali kaya nagalit si sisterette sabay sambit na sasali ako (ang
kakapal nang apog nang mga babaeng yun hindi man lang natakot na kabogin ko
sila!).
Kaya ayon “May I roll-up my purontong hanggang maging
panty-shorts ang dating” mode ako. I was Candidate #5 representing Brazil at todo
rampa ako sa may gilid ang kalye sa tapat nang bahay namin. Kung sa rampa lang,
wala silang binatbat sa’kin! Taob na taob ang mga lola!
Kasunod na yung talent portion at lahat nung nauna sa’kin ay
kumanta. Para maiba ako, pinili kung sumayaw ng lambada. Naaalala ko
tuwang-tuwa sila habang nagsasayaw ako. Todo kembot at sipa ang beki ng may
biglang humablot sa kamay ko sabay hampas nang malakas sa pwet. Biglang tigil
ako at napalingon. Kasindak-sindak ang mukha ni Pudra nang nakita ko sabay
sigaw sa akin ng “Paaasssooooookkkkk!!!!”. Hindi pa nakuntendo at panay hampas
pa sa pwet ko habang papasok kami sa loob ng bahay.
Ang sermon ni Fatheeer: “Bakit ka sumasali dun? BAKLA ka ba?
Hindi ka bakla! Lalaki ka! Lalaki!”. Iyak ako ng iyak nun kasi masakit na masakit
ang pwetan ko sa lakas nang hampas nang kamay niya. Medyo may kalasingan na din
kasi si Papsey nuon. Gusto kung sumagot nang “Akala mo lang lalaki ako pero
hindi! Hindi! Hindi!” (Vilma Santos at Carlo Aquino lang naman sana ang peg!
Hahaha!). Pero wala na akong magawa nang sumigaw na ng pautos ang Papa Chen ng
“Akkyyaaaattttt!!!”.
Dun sa kwarto sa itaas binuhos ko ang sama nang loob ko. Dun
ko unang nalaman na sadyang iba ako. Iba ako pero hindi ito maintindihan nang
ama ko. Pero ano ang magagawa ko? Anak lang ako at dapat akong sumunod sa
kanila. Kaya lang, pano ako bilang ako? Sino ba ang dapat na sumaya at sino ang
dapat na mamroblema?
Sa kalagitnaan nang pagngawa ko napatingin ako sa salamin.
Tumayo ako at napatigil sa pag-iyak… Ngumiti. (Baliw?!).. Tinitigan ko ang
aking sarili sa salamin at sinimulan kung sumayaw ulit ng lambada. Dun, sa loob
nang kwarto natapos ko ang aking “talent portion”. Wala mang ibang nakakita
pero alam ko walang sinabi ang mga batang babae sa labas na lantarang
ipinapakita ang kanilang galing sa natatago kung galing. Ang galing at tunay
kong pagkatao na nailabas at na-appreciate ko… sa harap ang salamin sa loob
nang kwarto!
P.S. I may sound so gay in this writing but trust
me, you would never hear me say these words in person. Nagagamit ko lang ang
mga kaek-ekan na mga salitang ito within the confines of this blog. Hahaha…